^

Probinsiya

'Jueteng lord' grabe sa ambus

-
SAN FERNANDO CITY, Pampanga — Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang pinaniniwalaang jueteng lord na nanalong barangay chairman, samantala, ang kaibigang kasama ay nasugatan makaraang tambangan ng dalawang hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang mga biktima ay papalabas ng gusali sa kahabaan ng San Fernando-Olongapo-Gapan road, Dolores sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Si Brgy. Chairman Melchor Caluag, alyas Ngongo ng Brgy. Dolores ay tinamaan ng dalawang bala ng baril sa tiyan at kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon, samantala, ang kasamang si Ariel Trinidad na anak ng dating brgy. chairman sa Lourdes ay tinamaan sa kaliwang kamay na kapwa nakaligtas sa tiyak na kamatayan.

Sa pagsisiyasat ni SPO4 Edgardo Balajadia, naganap ang pananambang dakong alas-6:45 ng gabi habang papalabas ang dalawa sa Mel-Vin Bldg. na pag-aari ni Caluag.

Dalawang hindi kilalang killer ang bumaba sa owner-type jeep at kaagad na pinaputukan ang mga biktima saka mabilis na nagsitakas sa pag-aakalang napatay sina Caluag at Trinidad.

Napag-alaman sa ilang pulis na si Caluag ay nagtungo sa Hong Kong upang magpalamig tungkol sa pagpapatigil ng jueteng sa naturang lugar ngunit hindi nila akalain na bumalik na siya sa bansa. (Ulat nina Ding Cervantes/Pesie Miñoza)

ARIEL TRINIDAD

CALUAG

CHAIRMAN MELCHOR CALUAG

DING CERVANTES

EDGARDO BALAJADIA

HONG KONG

MEL-VIN BLDG

PESIE MI

SAN FERNANDO-OLONGAPO-GAPAN

SI BRGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with