4 anyos naimpeksyon sa panghahalay ng kapitbahay
September 15, 2002 | 12:00am
BACOOR, Cavite Nagkaroon ng impeksyon sa kasarian ang isang 4 na taong gulang na batang lalaki, makaraang ilang ulit na gawan ng kahalayan ng isang 20-anyos na kapitbahay sa Brgy. Dulong Bayan ng bayang ito.
Ang biktima na personal na sinamahan sa himpilan ng pulisya ng mga magulang nito na nagharap ng kaukulang kaso ay nakilalang si Angelo (di tunay na pangalan), residente ng Monzon Apartment Brgy. Dulong Bayan ng bayang ito.
Samantalang ang suspek na agad namang nadakip ng pulisya sa isinagawang follow-up operation ay nakilalang si Romy Buenade, 20-anyos, binata walang trabaho at residente rin ng Monzon Apartment ng nabanggit ding lugar.
Sa ibinigay na report ni SPO1 Walter Basto, may hawak ng kaso, ganap na alas-8:00 ng gabi nang maganap ang insidente, kasalukuyan umanong naglalaro ng computer games ang bata sa bahay ng suspek at dito na umano sapilitang ginawan ng kahalayan ang biktima.
Nalaman lamang ng magulang ng biktima ang insidente nang mapuna nitong nahihirapang umihi ang kanyang anak at nang tingnan nito ang ari ng bata ay nakita nitong namamaga ito. Dito na nakuhang magsumbong ng biktima sa paulit-ulit na ginawang kababuyan ng suspek sa kanyang anak.
Napag-alaman pa sa salaysay ng biktima, ilang beses na umano itong ginawa sa kanya sa tuwing maglalaro ito ng computer games sa bahay ng suspek. Agad naman itong naaresto at sinampahan ng kasong Act of Lasciviousness in relation to 7610 (Child Abuse). (Ulat nina Cristina Go-Timbang at Lanie Mate-Sapitanan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended