Kinilala ng pulisya ang mga nadakip na extortionists na sina Marlon Mapanao, 35; Roland Ramos, 53 at Ronald Najera, 32, na pawang residente ng Magsaysay Road, Brgy. San Antonio, San Pedro, Laguna at napaulat na mga empleyado ng Phil. News Front, isang lokal na fly-by-night weekly community papers.
Sa ulat na isinumite kay P/Sr. Supt. Generoso Calderon, hepe ng pulisya sa Calamba, naisagawa ang entrapment dahil sa reklamong isinampa ng isang arkitekto na ang tatlo ay nagpupumilit na bentahan siya ng ticket para sa anti-drug campaign ng naturang news paper.
Kaya nagsagawa ng entrapment ang pulisya laban sa tatlo at narekober ang mga ticket at opisyal na resibo ng anti-drug campaign na pinaniniwalaang ipagbibili sa kanilang bibiktimahin.
Sinabi ni Calderon na ang modus operandi ng tatlo ay hindi lamang sa Laguna kundi sa mga bayan ng Cavite at karatig lalawigan. (Ulat ni Rene M. Alviar)