P15-M ransom sa kinidnap na stude hingi
September 13, 2002 | 12:00am
ILIGAN CITY Halagang P15-milyong ransom money ang hinihingi ng mga dumukot sa isang estudyanteng lalaki ng International School sa Cagayan de Oro City noong Martes ng umaga, Sept.10, 2002, ayon sa ulat ng pulisya.
Ang ulat ay kinumpirma ni P/Sr. Supt. Felicisimo Khu Jr., Cagayan de Oro City police director na kahapon ng umaga ay nakatanggap ng tawag sa telepono ang pamilya ng biktimang si Starlz Lumapas, 16, na humihingi ng P15-milyong ransom para sa pagpapalaya ng biktima.
Sa salaysay ng tiyahin ni Lumapas na si Sandy Sungcal sa pulisya, limang beses tumawag ang mga kidnaper sa kanilang bahay sa Villa Candida, Bulua, Cagayan de Oro City upang ipagbigay-alam ang paghingi ng nabanggit na halaga.
Kasalukuyan pang nasa Amerika ang mga magulang ni Lumapas at hindi pa mabatid kung ipinaabot na ang pangyayari sa kanilang anak na estudyanteng lalaki ng International School, Barangay Kauswagan ng nabanggit na lungsod.
Ayon naman sa katulong ng pamilya Lumapas na bandang alas-7:30 ng umaga noong Martes ay may tumawag sa telepono na nagpakilalang kaklase ni Starlz at nagtanong kung anong oras papasok sa eskuwelahan ang biktima.
Nabatid pa sa ulat ng pulisya, habang palabas ng bahay si Starlz upang pumasok sa eskuwelahan ay bigla na lamang tinutukan ng baril at dukutin ng anim na armadong hindi kilalang kalalakihan saka isinakay sa naghihintay na van sa labas ng bahay.
Kasunod nito ay bumuo na ng crisis management team na kinabibilangan ng mga kagawad ng pulisya, ahente ng National Bureau of Investigation (NBI), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Philippine Anti-Crime Emergency Response (PACER) upang maagang maisalba ang biktima mula sa kamay ng mga kidnaper. (Ulat ni Lino dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
18 hours ago
Recommended