Natagpuan ng katulong na babae ang bangkay ng biktimang si Erwina Flancia, empleyada ng PhilHealth regional office 4 ng naturang lugar.
Sa ulat ni P/Supt. Danny Ramon Siongco, hepe ng pulisya sa lungsod na ito, huling nakita ang biktima ng kanyang katulong na matamlay na umakyat ng kanilang bahay bago nagkulong sa kuwarto.
Ayon pa sa pulisya, nagduda ang katulong dahil sa ilang oras na hindi lumalabas kaya puwersahan nitong binuksan ang pintuan at bumungad sa kanya ang nakabiting katawan ng dalaga dakong ala-una ng madaling-araw. (Ulat ni Tony Sandoval)