Mister pinatay dahil sa pagpilit na makipag-sex

SAN LEONARDO, Nueva Ecija –Dahil sa pamimilit ng isang mister na makipagtalik ay naging ugat ng kanyang maagang kamatayan makaraang saksakin ng sariling misis noong Linggo ng gabi sa Barangay Tabuating sa bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Isidro L. Garcia, 47, samantala, ang suspek na nakilalang si Seroina S. Garcia ay kaagad namang sumuko upang managot sa nagawang krimen.

Ayon kay P/Chief Insp. Danilo delos Santos, hepe ng pulisya sa bayang ito, bandang alas-11 ng gabi nang tabihan ng biktima ang sariling misis upang makipagtalik ngunit tumanggi ang kanyang misis dahil sa ginulpi nito ang babae noong Sabado.

Dahil sa nagpupumulit ang biktima sa kagustuhang makipagtalik ay nairita ang suspek kaya sinaksak nito ang sariling asawa. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments