^

Probinsiya

P1.8 M smuggled rice nasamsam

-
ANTIPOLO CITY Umaabot sa P1.8 milyong naipuslit na bigas sa National Food Authority (NFA) ang nasamsam ng pinagsanib na elemento ng mga law enforcement agencies kabilang ang Presidential Security Group (PSG) sa pangunguna ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo matapos na salakayin ang isang warehouse sa lungsod na ito kahapon.

Personal na pinangasiwaan ni Pangulong Arroyo, DOJ Secretary Hernani Perez at DILG Secretary Joey Lina ang pagsalakay sa bodega ng mga smuggled rice na nakaimbak sa isang bakanteng lote sa Brgy. Mayamot, Sumulong Highway, Antipolo City.

Dakong alas-10:00 ng umaga nang puntahan ng Pangulo ang mga bigas na nakatago sa nasabing lugar na nasa 30 hanggang 50 footer van.

Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon na ang mga smuggled rice na itinago sa naturang bodega ay galing umano sa ibang bansa na itinago sa nasabing bodega matapos na maipuslit sa Customs.

Sa nasabing operasyon ay kinumpiska ng mga awtoridad ang tatlong baril ng dalawang security guard na nakatalaga sa sinalakay na warehouse na kinilalang sina Nelson Herla at Charles Lagtapon.

Pinaniniwalaan namang isang Tsino ang utak ng pag-iimbak ng umano’y illegal na bigas ng NFA at hinihinalang binabalak ibenta sa mga malalaking negosyante sa iba’t ibang panig ng Southern Luzon at National Capital Region (NCR) partikular na sa Metro Manila. (Ulat ni Joy Cantos)

ANTIPOLO CITY

CHARLES LAGTAPON

JOY CANTOS

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONAL FOOD AUTHORITY

NELSON HERLA

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with