7 paslit minolestiya ng ex-US Air Force

BACOOR, Cavite – Pitong paslit na lalaki ang iniulat na minolestiya ng Amerikanong pedopilya sa loob ng kanyang sariling bahay sa Meadowood Subdivision, Barangay Panapaan, sa bayang ito kahapon.

Ang mga biktimang binigyan lamang ng P20.00 bawa’t isa matapos isagawa ang krimen ay nagsumbong sa kanilang magulang at kaagad namang ipinagbigay-alam sa sangay na tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Cavite.

Mabilis namang umaksyon ang mga ahente ng NBI at nadakip ang suspek na si Anthony Proud, 73, dating US Air Force serviceman ng nabanggit na barangay.

Sa ulat ni Danielito Lalusis, hepe ng NBI sa Cavite, kasalukuyang naglalakad ang suspek ng mamataan nito ang mga biktima at niyaya sa kanyang bahay hanggang sa maisagawa ang krimen. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments