^

Probinsiya

Jueteng lord nalambat

-
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan – Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Special Task Force ng Bulacan Police Provincial Office ang tinaguriang jueteng lord sa isinagawang entrapment sa loob ng kainan sa Barangay Malhacan, Meycauayan, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Si Jojo Tolentino, 40, may-asawa, kontratista ng San Diego St., Valenzuela City ay naaktuhan dakong alas-9 ng gabi sa Renato’s Restaurant na iniaabot ang P4,000 kay SPO4 Romeo Suarez bilang kapalit na maipagpapatuloy ang operasyon ng jueteng sa bayan ng Meycauayan, Obando, Marilao, Bocaue, Bulacan.

Si SPO4 Suarez ay team lider na nagsasagawa ng mga raid sa mga lugar na pinaniniwalaang binobola ang sugal na jueteng kaya nagpanggap na nakipagkasunod ang pulis kay Tolentino.

Naniniwala naman si P/Sr. Supt. Edgardo Acuña, Bulacan PNP provincial director na magiging jueteng free province ang Bulacan matapos na magkasundong lagdaan noong Sept. 8, 2002 ng 24 na alkalde, iba’t ibang sektor ng relihiyon at libu-libong residente na makikipagtulungang masugpo ang sugal na jueteng sa kanilang lalawigan. (Ulat ni Efren Alcantara)

BARANGAY MALHACAN

BULACAN

BULACAN POLICE PROVINCIAL OFFICE

EDGARDO ACU

EFREN ALCANTARA

MEYCAUAYAN

ROMEO SUAREZ

SAN DIEGO ST.

SI JOJO TOLENTINO

SPECIAL TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with