Ex-cop, trader itinumba ng hired killer
September 11, 2002 | 12:00am
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang dating pulis at kaibigan nitong negosyante, samantalang tatlo pang iba ang malubhang nasugatan ng bayarang mamamatay-tao habang ang mga biktima ay nasa bilyaran sa Barangay Centro East, Cagayan Valley kamakalawa ng gabi.
Sa ulo tinamaan ang dalawang biktimang sina Florencio Molina, dating pulis at Rico Sta. Inez, mayamang trader na kapwa residente ng Barangay Centro East, Allacapan, Cagayan Valley.
Samantala, grabeng nasugatan sina Gaspar Ronafe, 46, isa rin trader ng Centro West; Maximo Cambri, 36, obrero at Rolando Tablac, 39, ng Centro East ng naturang lalawigan.
Ang suspek na ngayon ay tinutugis ng mga tauhan ni P/Sr. Supt. Ricardo Padilla, Cagayan Valley PNP provincial director ay nakilalang si Christopher Ibe.
Sa ulat ng pulisya, kasalukuyang magkasamang nag-iinuman ng alak ang mga biktima sa bilyaran nang lapitan ng suspek si Sta. Inez saka pinaputukan sa ulo.
Tinangkang saklolohan naman ni Molina ang kaibigan ngunit maging siya ay pinaputukan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Bago pa tumakas ang suspek ay nagpaulan ng bala ng baril na tinamaan naman ng ligaw na bala ang tatlo katao na nasa loob din ng bilyaran.(Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended