Sulyap Balita
September 10, 2002 | 12:00am
Idineklarang patay sa Lipa Medix Hospital si Hernando Cator, 39, ng Brgy. Laag at nakapuwesto bilang farm supervisor ng City Agriculture Office ng Lipa City.
Sa inisyal na ulat ni P/Sr. Supt. Antonio Atienza, hepe ng Lipa City, isinagawa ang krimen dakong alas-9:30 ng umaga saka tumakas papalakad ang suspek bago sumakay ng tricycle.
Magugunitang si Cator ay isa sa siyam na empleyado ng Lipa City Hall na inilagay sa "floating status" sa kautusan ni Lipa Mayor Vilma Santos-Recto hanggang sa paburan ng Civil Service Commission na ibalik sa puwesto ang biktima noong Agosto 22, 2002 bago mapatay. (Ulat ni Arnell Ozaeta)
Mistulang naging itim ang kulay ng balat ng katawan ng biktimang si Cristina Patapa na natagpuan ng kanyang hipag na si Helen Hipolito na nakabulagta sa naturang lugar dakong alas-3 ng hapon.
May teorya si PO3 Marlito Rivera na nadulas ang biktima habang nagsasampay at napahawak sa talop na linya ng kuryente na ikinasawi nito. (Ulat ni Joy Cantos)
Idineklarang patay sa Rodriguez Memorial Center si Bernardo Ortega, stay-in worker ng New Manhattan Lumber, Ortigas Avenue, Cainta, Rizal, samantala, ang suspek na drayber ng dyip (TDC-832) ay nakilalang si Ulysses Matienzo, 42, ng Catapusan St., Tanay, Rizal.
Naganap ang aksidente bandang alas-5:20 ng umaga matapos na biglang tumawid ng kalsada ang biktima kaya nahagip dahil sa hindi na maiwasan ng suspek na kabigin ang manibela. (Ulat ni Joy Cantos)
Hindi na umabot pa ng buhay sa Nueva Ecija Doctors Hospital si Carlo Sigue, samantala, ang suspek ay nakilalang si Arvin Villa, 22, binata ng Villa Benita Subdivision, Brgy. Concepcion, Cabanatuan City.
Sa ulat ni P/Sr. Supt. Luisito Palmera, Nueva Ecija police provincial director, ang baril na pag-aari ni Brgy. kagawad Feliciano Torres ay inilapag sa mesang pinag-iinuman ng dalawa hanggang sa damputin ng suspek ang baril at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakalabit nito ang gatilyo na naging sanhi upang tamaan ng bala ang biktima. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)
Sa nakarating na ulat kahapon sa Camp Aguinaldo, si Jappalam ay tinambangan dakong alas-7 ng umaga sa Sitio Upper Benembengan, Basilan habang nag-aabang ng masasakyan patungo sa detachment.
Si Geronda naman ay itinumba ng mga rebelde dakong alas-6:30 ng gabi habang naglalakad papauwi sa Sitio Pagba, Brgy. Cabagnaan, La Castillana, Negros Occidental.
Tinutugis naman ng pulisya si Roger Bajar na pinaniniwalaang bagong recruit ng mga rebeldeng NPA. (Ulat ni Danilo Garcia)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended