^

Probinsiya

FMD outbreak sa Lucena

-
LUCENA CITY — Muling nanalasa ang sakit na foot and mouth disease (FMD) sa mga alagang hayop sa lungsod na ito makaraang bulagain ang City Veterinarian’s Office (CVO) ng mga ulat na ilang alagang baboy ang dinapuan nito sa ilang barangay.

Ayon kay Dr. Winston Avillo, city veterinarian, nitong nakalipas na buwan ay dalawang barangay ang napabalitang sinalanta ng nasabing sakit.

Sa rekord ng nasabing tanggapan, may 46 na alagang baboy na nasa farm house sa Brgy. Demoit ang kumpirmadong nagtataglay ng FMD at 3 naman sa bahagi ng Brgy. Barra.

Kinumpirma rin ito ng Philippine Animal Health Center, batay na rin sa eksaminasyon na isinagawa ng mga tissue samples ng mga nabanggit na hayop.

Subalit nilinaw naman ni Avillo na wala namang dapat na ikabahala ang mga bumibili ng mga karne sapagkat lahat ng mga hayop na kinakatay sa slaughter house ay tiyak na dumadaan sa pagsusuri bago itinda sa pamilihang panglungsod.

Kaalinsabay ng paniniwalaang FMD outbreak ay kaagad na nagsagawa ang CVO ng mass vaccination para sa mga alagang baboy, kalabaw at baka sa iba’t ibang barangay ng lungsod upang mahadlangan ang paglaganap ng nasabing sakit. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

AVILLO

AYON

BRGY

CITY VETERINARIAN

DEMOIT

DR. WINSTON AVILLO

KAALINSABAY

PHILIPPINE ANIMAL HEALTH CENTER

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with