Ang mga biktimang dinukot mula sa kani-kanilang mga bahay bago pinagbabaril ay nakilalang sina Romualdo Ferrer, alyas Romy ng Brgy. Matias District at Willy Chavez ng Brgy. San Pascual ng bayang ito.
Sa ulat na nakarating kay P/S Insp. Peter Torres ng Talavera, Police ay naka-fatigue ang mga salarin at lulan ng red at green van na mga walang plaka nang dukutin ang mga biktima at dalhin sa hindi pa batid na lugar at pagbabarilin hanggang sa itapon sa bakanteng lote. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)