Batay sa ulat, bandang alas-8 ng umaga nang bigla na lamang sumabog ang tower ng DOTC Telecom na matatagpuan sa hangganan ng Poblacion at Brgy. Mayo, pawang sa Columbio ng nasabing lalawigan.
Ang insidente ay inireport ng caretaker ng Columbio Local Telephone sa himpilan ng Alpha Company ng 39th Infantry Battalion (IB) at 25th Explosive & Ordinance Division (EOD) Team ng Phil. Army na mabilis na nagresponde sa insidente.
Sa isinagawang inspeksiyon, nadiskubre ng tropa ng 39th IB sa pamumuno ni Sgt. Miranez na ang sumabog na bomba ay ikinabit sa transmitter ng DOTC Telecom.
Habang naghahalughog ang grupo ay isa pang improvised bomb na hindi pa sumasabog ang narekober rin sa isa pang transmitter dito.
Agad naman itong tinanggal ng mga operatiba ng 25th EOD at dinala sa Kidapawan City Gym para sa kaukulang disposisyon.
Nabatid na bago naganap ang pagsabog ay dalawang hindi pa nakilalang kalalakihan ang nakitang umaaligid sa bisinidad ng DOTC tower at hinihinalang siyang nagkabit ng explosive bomb dito.
Wala namang iniulat na nasugatan sa naganap na insidente habang naitala naman sa P500,000 ang pinsala sa nangyaring pagsabog.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy at mapanagot sa batas ang mga suspek. (Ulat ni Joy Cantos)