^

Probinsiya

'Rubout' sa pagkakapatay sa 5 carnapper

-
HAGONOY, Bulacan – Pinaniniwalaang "rubout" ang pagkakapatay sa limang kilabot na carnapper na umano’y nakipagbarilan sa tropa ng PNP-Traffic Management Group sa Sitio Wawa, Barangay Iba, Hagonoy, Bulacan noong Miyerkules ng hapon.

Sa naging pahayag ng mga residente sa nabanggit na barangay, pinagbabaril hanggang sa mapatay ang mga carnapper habang nagpupulasan sa iba’t ibang direksyon salungat sa napaulat sa iba’t ibang pahayagan na nakipagbarilan sa mga awtoridad.

Napag-alaman pa ng PSN sa mga residente na isa sa mga napatay na si Pablito Salubod ay hindi kasama ng grupo dahil sa naimbitahan lamang na makipag-inuman kaya naman pinaunlakan nito.

Sa pahayag ng mga residente na ayaw lumantad dahil sa takot na madamay sa pangyayari na ang mag-asawang Daniel, 45 at Gloria Bautista kasama ang tatlong anak ay hiniram ang kotseng puti ng mga carnapper dahil sa magsisilang ng sanggol si Gloria ngunit nasabat ng mga awtoridad.

Sinabihan daw ng TMG ang mag-asawa kung bakit minamaneho nila ang karnap na kotseng puti kaya pinabalik sila sa pinagkukutaan ng mga carnapper upang matunton ang bahay.

Namataan naman ng grupo ng carnapper ang mga awtoridad kaya nagpulasan sa iba’t ibang direksyon ngunit pinagbabaril pa rin ng mga tumutugis na pulisya.

"Hindi naman nakipagbarilan ang mga carnapper sa mga tumutugis na pulis dahil nasa bag ang kanilang baril", ani ng isang residente na nakasaksi sa pangyayari.

Kinumpirma din ng mga tauhan ng Bulacan Provincial Hospital na may kinuhang sugatang tao ang pulisya ngunit hindi nila alam kung saan dinala.

Sa kasalukuyan ay hindi pa lumulutang ang mag-asawang Bautista at tatlo nilang anak kasama pa ang isang Sonia Calonzo, 30 na kusinera ng mga carnapper at sinasabing nasa loob lamang ng Camp Crame. (Ulat ni Efren Alcantara)

BARANGAY IBA

BULACAN

BULACAN PROVINCIAL HOSPITAL

CAMP CRAME

CARNAPPER

EFREN ALCANTARA

GLORIA BAUTISTA

PABLITO SALUBOD

SITIO WAWA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with