Broadcaster initak ng adik

TALAVERA, Nueva Ecija – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang broadcaster ng DWNE makaraang pagtatagain ng kanyang kapitbahay na adik sa Brgy. Maestrang Kikay sa bayang ito noong Lunes ng hapon.

Nasa Primiere General Hospital ang biktimang si Mar Tecson, 42 na nagtamo ng limang sugat sa ulo at malimit bumatikos laban sa droga, samantala, ang suspek na kaagad namang dinakip matapos isagawa ang krimen dakong alas-3 ng hapon ay nakilalang si Nicasio Gabay, 48, welder ng naturan ding lugar. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments