Sa anim na pahinang desisyon ni Executive Judge Mauricio Rivera ng Branch 73, pinatawan ng kamatayan si Mario Olithao at inatasang magbayad ng halagang P50,000 sa kanyang anak bilang danyos perwisyo.
Base sa record ng korte, sinimulang halayin ng akusado ang biktima noong sampung taong gulang pa lamang hanggang sa ipagbigay-alam ng biktima sa kanyang ina ang pangyayari na naging sanhi ng paghihiwalay ng mag-asawa noong Mayo 1996 at pagkakadakip kay Olithao.
Hindi naman pinaniwalaan ng korte ang isinumiteng alibi ng akusado bagkus binigyan timbang ang testimonya ng biktima.
Lalong nadiin sa kaso ang akusado sa isinumiteng pagsusuri sa maselang bahagi ng biktima na positibong hinalay.
Awtomatikong isusumite sa Korte Suprema ang naging hatol ng mababang korte laban sa akusado upang muling rebisahin at pagtibayin. (Ulat ni Joy Cantos)