Ang napatay na biktima ay nakilalang si Gerardo Espinas, isang empleyado sa opisina ng gobernador at nakatalaga sa grupo ng anti-quarrying, samantala, ang asawang si Aurea, 47 ay nasa Sorsogon Doctor Hospital.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-8 ng gabi habang nagpapahinga at umiinom ng kape ang mag-asawa sa labas ng kanilang bahay at pinalalagay na sa trabahong anti-quarrying ang motibo sa pamamaslang. (Ulat ni Ed Casulla)