Mag-asawa niratrat sa sariling bahay
September 2, 2002 | 12:00am
SORSOGON CITY Isang mister ang nasawi, samantala, ang asawa nito ay malubhang nasugatan matapos ratratin ng dalawang hindi kilalang lalaki sa labas ng kanilang bahay sa Barangay Bitan-o sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Ang napatay na biktima ay nakilalang si Gerardo Espinas, isang empleyado sa opisina ng gobernador at nakatalaga sa grupo ng anti-quarrying, samantala, ang asawang si Aurea, 47 ay nasa Sorsogon Doctor Hospital.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-8 ng gabi habang nagpapahinga at umiinom ng kape ang mag-asawa sa labas ng kanilang bahay at pinalalagay na sa trabahong anti-quarrying ang motibo sa pamamaslang. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest