Misis ni-rape ng adik sa harap ng 2 anak

DASMARIÑAS, Cavite – Isang 25-anyos na misis ang iniulat na ni-rape ng adik sa droga sa harap mismo ng kanyang dalawang anak na paslit sa sariling bahay sa Barangay Sampalok 4 sa bayang ito.

Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang itinago sa pangalang "Rose" ng nabanggit na barangay.

Samantala, ang suspek na kaagad tumakas matapos isagawa ang krimen ay nakilalang si Jonjon Pabilan ng Block 6 Lot 7 Phase 12 City Homes Subdivision ng naturang lugar.

Nabatid sa imbestigasyon ni PO3 Jo Patambang, isinagawa ang krimen bandang alas-3 ng hapon makaraang datnan ng biktima ang suspek na nakaupo sa sala ng kanilang bahay na may hawak na patalim. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments