Ang direktiba ay ginawa ng pangulo matapos makipagpulong kina Zamboanga del Sur Rep. Filomena San Juan at ng mga alkalde ng naturang lalawigan.
Inatasan na rin ni Pangulong Arroyo si Secretary Leandro Mendoza ng Department of Transportation and Communication na maglunsad ng programa laban sa mga pirata upang mapalakas ang negosyo sa rehiyon.
Sinabi pa ng Pangulo na ipagpapatuloy ang kampanyang pangkapayapaan na sasabayan ng kampanyang pangkaunlaran.
"Ang terorismo at labanan sa Mindanao ay nag-uugat sa maling akala ng mga Muslim na hindi sila kasali sa programang pangkaunlaran ng gobyerno," dagdag pa ni Pangulong Arroyo. (Ulat ni Lilia Tolentino)