^

Probinsiya

Pirata sa Zamboanga pinatutugis ni GMA

-
Matapos ang sunud-sunod na operasyon laban sa mga teroristang kidnap-for-ransom gang sa Mindanao ay iniutos naman ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga tauhan ng Phil. Coast Guard na lansagin ang mga pirata sa karagatan ng Zamboanga del Norte.

Ang direktiba ay ginawa ng pangulo matapos makipagpulong kina Zamboanga del Sur Rep. Filomena San Juan at ng mga alkalde ng naturang lalawigan.

Inatasan na rin ni Pangulong Arroyo si Secretary Leandro Mendoza ng Department of Transportation and Communication na maglunsad ng programa laban sa mga pirata upang mapalakas ang negosyo sa rehiyon.

Sinabi pa ng Pangulo na ipagpapatuloy ang kampanyang pangkapayapaan na sasabayan ng kampanyang pangkaunlaran.

"Ang terorismo at labanan sa Mindanao ay nag-uugat sa maling akala ng mga Muslim na hindi sila kasali sa programang pangkaunlaran ng gobyerno," dagdag pa ni Pangulong Arroyo. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

COAST GUARD

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

FILOMENA SAN JUAN

LILIA TOLENTINO

MINDANAO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SECRETARY LEANDRO MENDOZA

SUR REP

ZAMBOANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with