2 holdaper dedo sa barilan
August 31, 2002 | 12:00am
BIÑAN, Laguna Dalawang lalaki na pinaniniwalaang mga holdaper ang kumpirmadong nasawi makaraang makipagbarilan sa mga awtoridad at mga security guard sa loob ng golf course sa Barangay Soro-Soro sa bayang ito kamakalawa ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang mga napatay na holdaper na sina Jessie Trencio, 26, at William Gutierrez, 24, kapwa tubong MacArthur, Eastern Samar at pansamantalang naninirahan sa nabanggit na barangay.
Tinamaan naman ng ligaw na bala ang isang batang lalaki na nakilalang si Kevin Espela, 10, ng Brgy. San Francisco na ngayon ay nasa Perpetual Help Hospital sa Biñan, Laguna.
Base sa ulat ni P/Supt. Eduardo Octavio, OIC ng Biñan police station, naganap ang engkuwentro bandang alas-9:30 ng umaga matapos na pumasok ng Southwood golf course ang dalawa saka tinutukan ng baril ang isa sa mga security guard ngunit namataan ng ilang sekyu ang pangyayari kaya kaagad na humingi ng saklolo sa pulisya.
Dito na sumiklab ang barilan hanggang sa mapawi ang usok saka duguang bumulagta ang dalawa. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest