Mag-asawang matanda minasaker ng Pentagon
August 31, 2002 | 12:00am
COTABATO CITY Malagim na kamatayan ang sinapit ng matandang mag-asawa sa mga kamay ng grupo ng Pentagon makaraang pagpapaluin ng martilyo sa ulo may ilang oras pa lamang naidaos ang kanilang ika-50th wedding anniversary sa Bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat kahapon.
Basag ang bungo ng mag-asawang Urdarico Pardilla, 81 at asawa nitong si Lilia, 78, na pinaniniwalaang pinagnakawan muna bago isinagawa ang karumal-dumal na krimen ng kilabot na sindikatong Pentagon kidnaper na tinaguriang "Dragon".
Base sa nakalap na impormasyon ng pulisya, ang mag-asawang matanda ay kilala sa kanilang komunidad na mahilig mangolekta ng mamahaling alahas.
Ayon sa ulat ng pulisya, matagal ng may natatanggap na extortion letters ang mag-asawa sa naturang grupo ngunit binabalewala nila ang sulat.
Humingi naman ng tulong si P/Sr. Insp. Antonio Arriba sa tropa ng Armys 6th Infantry Division upang mapadali ang pagkakakilanlan sa mga killer. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended