P 3-M marijuana sinunog
August 30, 2002 | 12:00am
MALUNGON, Sarangani Tinatayang aabot sa 11,000 puno at 25,000 buto ng marijuana na nagkakahalaga ng P3-milyon ang sinunog ng mga awtoridad matapos na madiskubre sa limang ektaryang plantasyon sa Sitio Matew, Brgy. Blaan malapit sa hangganan ng Brgy. Bulol Salo, Kiblawan, Davao del Sur.
Kinilala naman ang mga nagsitakas na nagtatanim ng marijuana na sina Tomandan Sulanday at King Para ng Sitio Flotimon, Brgy. Bulol Salo, Kiblawan.
Sinabi ni P/Chief Supt. Jose Dalumpines, Central Mindanao police director, nahirapan ang kanyang mga tauhan kasama ang pinagsanib na puwersa ng Sarangani PNP, PNP Drug Enforcement Agency at Malungon Task Force for Peace and Development sa matarik na bulubundukin ng nabanggit na barangay na pinagtatamnan ng marijuana. (Ulat ni Boyet Jubelag)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest