Sa pahayag ni Col. Ernesto Boac, brigade commander ng 401st Infantry Brigade ng Phil. Army, unang nagsisuko ang grupo ni Bacat Gadia, alyas Kumander Omar Moktar na may 40 tauhang kasapi ng Bangsa Moro Army Islamic Forces.
Ang ikalawang grupong sumuko ay pinamumunuan ni Khaldon Batabor na may 15 tauhan.
Ayon pa kay Col. Boac na isinuko rin ng mga rebeldeng MILF ang kanilang 50 malalakas na baril na kinabibilangan ng smoke grenades, machine guns, grenade launchers at radios.
Ang mga rebelde ay nagsasagawa ng operasyon sa mga bayan ng Sultan Dumalongdong, Lumbayanague, Lumbatan at Ganassi sa Lanao del Sur at Nunungan sa Lanao del Norte.
Napag-alaman sa ulat ng militar na nagsisuko ang mga rebelde dahil sa pakikipagnegosasyon ng grupong civil affairs na pinamumunuan ni Capt. Aliasgar Bangcola at sa pakikipagtulungan ng ilang Muslim lider, grupo ng mga relihiyon at ilang ahensya ng pamahalaan na pinamumunuan naman nina Sultan Datumona Ambor at Aleem Hasan Cairodin.
Isinailalim naman ang mga nagsisukong rebelde sa programang "Balik Baril" at bibigyan ng kaukulang kabuhayan mula sa Cooperative Development Authority (CDA). (Ulat ni Lino dela Cruz)