^

Probinsiya

55 MILF rebels sumuko

-
MARAWI CITY – Umaabot sa limamput limang (55) kasapi ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) mula sa Lanao del Sur at Lanao del Norte ang sumuko sa tropa ng militar sa kampo Ramao sa lungsod na ito noong Martes, Agosto 27, 2002.

Sa pahayag ni Col. Ernesto Boac, brigade commander ng 401st Infantry Brigade ng Phil. Army, unang nagsisuko ang grupo ni Bacat Gadia, alyas Kumander Omar Moktar na may 40 tauhang kasapi ng Bangsa Moro Army Islamic Forces.

Ang ikalawang grupong sumuko ay pinamumunuan ni Khaldon Batabor na may 15 tauhan.

Ayon pa kay Col. Boac na isinuko rin ng mga rebeldeng MILF ang kanilang 50 malalakas na baril na kinabibilangan ng smoke grenades, machine guns, grenade launchers at radios.

Ang mga rebelde ay nagsasagawa ng operasyon sa mga bayan ng Sultan Dumalongdong, Lumbayanague, Lumbatan at Ganassi sa Lanao del Sur at Nunungan sa Lanao del Norte.

Napag-alaman sa ulat ng militar na nagsisuko ang mga rebelde dahil sa pakikipagnegosasyon ng grupong civil affairs na pinamumunuan ni Capt. Aliasgar Bangcola at sa pakikipagtulungan ng ilang Muslim lider, grupo ng mga relihiyon at ilang ahensya ng pamahalaan na pinamumunuan naman nina Sultan Datumona Ambor at Aleem Hasan Cairodin.

Isinailalim naman ang mga nagsisukong rebelde sa programang "Balik Baril" at bibigyan ng kaukulang kabuhayan mula sa Cooperative Development Authority (CDA). (Ulat ni Lino dela Cruz)

ALEEM HASAN CAIRODIN

ALIASGAR BANGCOLA

BACAT GADIA

BALIK BARIL

BANGSA MORO ARMY ISLAMIC FORCES

COOPERATIVE DEVELOPMENT AUTHORITY

ERNESTO BOAC

INFANTRY BRIGADE

KHALDON BATABOR

LANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with