Kinilala ang mga biktima na sina Acmad Panonto, Consna Panonto at Rundato Rambango na nagtamo ng mga shrapnel sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Base sa inisyal na pagsisiyasat, naganap ang insidente bandang alas-7:10 ng gabi habang naghihintay ng masasakyang pampasaherong dyip ang tatlong biktima sa waiting shed ng Marawi City police station sa kahabaan ng Perez Street.
Bigla na lamang dumaan ang dalawang armadong kalalakihan na lulan ng motorsiklo at walang sabi-sabing inihagis ang granada sa nasabing waiting shed.
Lumalabas pa sa imbestigasyon na posibleng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nasa likod ng paghahasik ng karahasan.
Posible umanong inatasan ang mga bandido na maghasik ng terorismo sa mga balwarte nilang lugar katulad ng lalawigan ng Lanao del Sur. (Ulat ni Joy Cantos)