Mister na nakialam sa away ng 3 mag-utol, tinigok
August 28, 2002 | 12:00am
SILANG, Cavite Binaril at napatay ang isang 35-anyos na mister ng magkakapatid makaraang umawat sa nagaganap na awayan ng huli sa harap ng bahay ng biktima sa Brgy. Lumil sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Si Maximo Aquino ay nagtamo ng tama ng bala ng baril sa dibdib, samantala, ang mga suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilalang sina Emil, Jun at Hernan Baysantos at isang nagngangalang Francisco Mendoza na pawang residente ng nabanggit na barangay.
Napag-alaman sa ulat ni SPO2 Eduardo Eusebio, naganap ang krimen bandang alas-7:30 ng gabi makaraang makarinig ng rambulan ang biktima sa harap ng kanyang bahay.
Tinangkang awatin ng biktima ang rambulan ng mga suspek ngunit siya ang nabaril. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended