Pagawaan ng etiketa ng VCDs ni-raid
August 28, 2002 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Videogram Regulatory Board (VRB), PNP-Special Action Force (PNP-SAF), Presidential Security Group (PSG) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang illegal na pagawaan ng mga label ng pirated CD, VCD at DVD sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon.
Personal na pinangunahan ni VRB Chairman Ramon "Bong" Revilla Jr. ang pagsalakay sa Gods Plan Printing Press sa Sottos Compound NHA Ave. Brgy. Dela Paz dala ang search warrant bandang alas-4 ng hapon.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang may-ari ng printing press na si Jun Sotto na wala sa nasabing lugar nang isagawa ang raid.
Labing dalawang mga makinista at trabahador ang nadakip ng operatiba na naaktuhang gumagawa ng mga illegal na label na ginagamit sa pirated CD, VCD at DVD.
Umabot naman sa 10 pirasong ibat ibang klase ng printing machine ang kinumpiska ng operatiba ng VRB na isasama bilang ebidensiya laban sa mga suspek.
Isang shotgun pa ang narekober sa pag-iingat ng nagbabantay na si Jacob Cuevas, 37, na nagpakilalang security officer ng printing press.
Ayon kay Revilla, isang impormante umano ang nagbulgar ng operasyon nang nabuwag na sindikato na halos ilang taon na umanong sumasabak sa illegal na negosyo. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest