30 kawani ng Antipolo City Hall positibo sa droga
August 28, 2002 | 12:00am
Tatlumpung empleyado ng Antipolo City Hall ang nakatakdang patalsikin sa serbisyo matapos na mapatunayang positibo sa paggamit ng droga kaugnay nang ipinatupad ng sorpresang drug test ng pamahalaang lungsod kamakailan.
Ito ang kinumpirma kahapon ni City Administrator Atty. Gilbert Lauengco na nagsabing 15 positive sa drug test ay mga regular na empleyado ng city hall habang ang iba pa ay mga kontraktuwal.
Nauna nang nagsagawa ng drug test ang pamahalaang lungsod alinsunod sa City Ordinance No. 126-2002 na nag-oobliga sa lahat ng mga empleyado ng city hall kabilang na ang mga pulis, bumbero ang sumailalim sa mandatory drug test.
Base sa ordinansang iniakda ni Councilor Danilo Leyble, Chairman ng Committee on Health and Sanitation, sinumang mapatunayang positibo sa paggamit ng droga ay patatalsikin sa posisyon.
Kasalukuyan namang pinagpupulungan ng mga opisyal ng lungsod kung ano ang magiging status ng 15 regular nilang empleyado na mapapatalsik din alinsunod sa mahigpit na ordinansa.
"Ang sabi namin dun sa 15 contractual ay hindi na namin ire-renew ang kontrata nila, dun sa mga regular naman ay pag-uusapan pa namin ni Mayor Gatlabayan kung ano ang nararapat gawin," pahayag pa ni Lauengco.
Magugunita na umaabot sa 1,800 empleyado ng pamahalaang lungsod ang sumailalim sa mandatory drug test kamakailan bilang bahagi ng mahigpit na kampanya na linisin ang mga tiwali at illegal na droga ang siyudad ng Antipolo.
Samantala, nauna na ring nagbabala si Antipolo City Mayor Angelito Gatlabayan na sinumang mapatunayang gumagamit ng droga ay patatalsikin niya sa posisyon. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest