Dinamita sumabog: Ama todas, anak grabe
August 27, 2002 | 12:00am
DALAHICAN PORT, Lucena City Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang ama at namatay, samantala, ang anak na batang lalaki ay malubhang nasugatan makaraang sumabog ang dinamitang ginamit sa pangingisda ng mag-ama sa karagatang sakop ng Brgy. Talao-talao sa lungsod na ito kahapon ng umaga.
Nawasak din ang bangkang sinasakyan ng biktimang si Victoriano Cabaltera, 50; samantala, ang anak nitong batang lalaki na ngayoy nasa Quezon Memorial Hospital ay nakilalang si Alberto Cabaltero, 13-anyos.
Sa ulat na isinumite kay P/Supt. Danny Ramon Siongco, hepe ng pulisya sa lungsod na ito na may 200 metro lamang ang layo sa opisina ng Philippine Coast Guard at PNP Maritime, ang naganap na malagim na trahedya.
Ilan sa mga mangingisda ang nakasaksi na naganap ang malagim na trahedya dakong alas-8:30 ng umaga matapos na sindihan ng biktima ang hawak na dinamita ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang sumabog.
May palagay ang mga awtoridad na maikli ang mitsa ng dinamita kaya hindi kaagad naihagis ng biktima. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended