Caretaker na lang para sa 3rd district ng Cavite
August 26, 2002 | 12:00am
Sinang-ayunan ng mga alkade sa ikatlong distrito ng Cavite ang mungkahi ni Governor Erineo "Ayong" Maliksi na magtalaga na lamang ng caretaker upang maiwasan ang malaking halagang gastusin sa gaganaping special election na papalit kay yumaong Congressman Napoleon Beratio.
Humingi rin si Maliksi ng ilang alternatibo kay House Speaker Jose de Venecia upang maipagpatuloy ang nabakanteng puwesto ni Beratio na posibleng makaapekto sa taumbayan ng 3rd district.
Kabilang sa napagkasunduan ng mga lokal na opisyales ng pamahalaan ang paghalal ng caretaker na kinabibilangan nina Congressman Plaridel Abaya ng 1st district at Congressman Gilbert Remulla ng 2nd district.
Sinabi pa ni Maliksi na sinumang mapiling caretaker ng naiwang puwesto ni Beratio ay kakatawan at hahawak sa ikatlong distrito.
Ipinangako naman ni Cavite Governor Ayong Maliksi na susuportahan niya ang sinumang mapipiling caretaker upang maipagpatuloy ang mga nakabinbing proyekto ng solon. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended