Sa naging pahayag ni Dr. Francisco Gulinao na aabot na sa 260,000 aso ang nakakalat sa buong lalawigan ng Bulacan at 15,000 lamang ang maaaring bakunahan ng anti-rabies.
Kinumpirma rin ni Dr. Gulinao na aabot na sa lima hanggang sampu-katao ang naisusugod sa San Lazaro Hospital sa Maynila dahil sa kamandag ng aso na nakukuha sa mga basurahan.
Ilan sa mga eksperto ang nagsabi na ang kamandag ng aso ay hindi nagtatagal sa katawan ng hayop at kaagad na namamatay o kaya nagiging ulol ang aso kapag dinapuan ng rabies na kung sakaling mabiktima ang isang tao ay siguradong namimiligro ang kalusugan sa loob lamang ng tatlong buwan. (Ulat ni Efren Alcantara)