^

Probinsiya

Sintunado sa pagkanta patay sa saksak

-
RAGAY, Camarines Sur – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang obrero ng kapwa obrero makaraang kumanta ng sintunado sa loob ng videoke bar sa Barangay Poblacion Iraya sa bayang ito kahapon ng madaling-araw.

Idineklarang patay sa Bicol Medical Center ang biktimang si Erwin Balote, binata at residente ng Brgy. Poblacion Ilawod sa naturang lugar, samantala, ang suspek na mabilis tumakas matapos isagawa ang krimen ay nakilalang si Puti Rogeria, binata ng nabanggit ding barangay.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-12:30 ng madaling-araw makaraang hindi magustuhan ng suspek ang sintunadong kinakanta ng biktima na "My Way".

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na nag-request ang biktima na tugtugin ang awiting "My Way" upang sabayan.

Dahil sa paborito ng suspek ang kanta ay nairita sa sintunadong boses ng biktima na lango na rin sa alak kaya kaagad na nilapitan at sunod-sunod na inundayan ng saksak ng patalim sa iba’t ibang bahagi ng katawan. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY POBLACION IRAYA

BICOL MEDICAL CENTER

BRGY

CAMARINES SUR

DAHIL

ED CASULLA

ERWIN BALOTE

MY WAY

POBLACION ILAWOD

PUTI ROGERIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with