3 NPA todas sa engkuwentro

RODRIGUEZ, Rizal – Tatlong kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang kumpirmadong nasawi, samantala, dalawa naman sa panig ng sundalo ang nasugatan matapos na magsagupaan sa Sitio Bayanan, Barangay Sabang sa bayang ito noong Biyernes ng hapon, Agosto 23, 2002.

Kasalukuyan pang bineberipika ang tatlong pangalan ng rebelde dahil walang anumang nakuhang pagkakilanlan, samantala, ang mga sugatang kawal ay nakilalang sina Sgt. Agir at Corporal Ruel Toledo.

Naganap ang engkuwentro bandang ala-una ng hapon habang sinusuyod ng pinagsanib na puwersa ng Task Force Makiling at Army’s 59th Infantry Battalion ang kagubatan ng nabanggit na barangay.

Tumagal ng may ilang minuto ang putukan saka nagsitakas ang mga rebelde sa iba’t ibang direksyon. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments