Carnapper binitay ng Red Vigilante
August 22, 2002 | 12:00am
LLANERA, Nueva Ecija Nagsimula na sa kanilang operasyon ang kinatatakutang Red Vigilante Group (RVG) makaraang bistayin ng bala ng malalakas na kalibre ng baril hanggang sa mapatay ang kilabot na carnapper sa Barangay Luna sa bayang ito noong Lunes ng hapon.
Labintatlong bala ang tumapos sa buhay ni Enrique "Eric" Francisco, 32, may asawa, residente ng nabanggit na barangay at pinaniniwalaang nakapagnakaw na ng aabot sa 49 na sasakyan at motorsiklo sa nakalipas na tatlong taon sa Nueva Ecija.
Si Francisco ay inakusahan din ng naturang grupo na kilabot na drug pusher at akyat bahay gang kaya tinaguriang numero unong kalaban ng bayan.
Base sa ulat ng pulisya, itinumba ang biktima dakong alas-dos ng hapon habang nanonood ng telebisyon sa kanyang bahay kasama ang kasambahay.
Ayon sa tagapagsalita ng Red Vigilante Group na si Ka Ryan, karamihan sa krimen na isinagawa ni Francisco ay sa bayan ng Gapan at Talavera, Nueva Ecija.
Sa pahayag naman ng mga opisyales ng pulisya sa Nueva Ecija na ang nabanggit na grupo ay sangkot sa gun-for-hire criminal group partikular na ng drug trafficking at pinalalagay na onsehan sa droga ang motibo ng krimen.
Mariing pinabulaanan naman ni Ka Ryan ang akusasyon ng kapulisan sa naturang lalawigan dahil sa lumalalang krimen ay nagpasya silang kumilos. (Ulat nina Christian Ryan Sta.Ana at Ding Cervantes)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended