Sen. Pimentel ligtas sa car mishap
August 21, 2002 | 12:00am
Nakaligtas sa tiyak na kamatayan si Senador Aquilino Pimentel Jr. at tatlo nitong kasama makaraang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang van dahil sa pag-iwas sa kasalubong na pampasaherong bus sa National Highway ng Barangay Bangar, Solano, Nueva Ecija noong Biyernes ng umaga, Agosto 16, 2002.
Sa naantalang ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, nagkaroon lamang ng ilang galos sa katawan si Sen. Pimentel ngunit nasugatan naman sina Amado Romillo, Arnold Segundo at Francis Navarette at drayber ng van na si Arturo Celestial.
Nabatid sa ulat na naganap ang car mishap dakong alas-5:40 ng umaga habang patungo si Sen. Pimentel sa Isabela at Cagayan.
Dahil sa mabilis na responde ng mga miyembro ng Solano Police Station ay kaagad namang naisalba ang mga biktima kabilang na ang Senador. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended