^

Probinsiya

Abra mayor bibitayin ng NPA rebels

-
BANGUED, Abra – Kasalukuyang sinasanay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang kanilang armas upang puntiryahin at bitayin ang Abra mayor na tinagurian nilang "warlord" dahil sa dumanak na dugong pagkakautang sa taumbayan.

Ang mga miyembro ng Agustin Begnalen Command na nakabase sa Abra ay nagbabalak at kumukuha lamang ng tiyempo upang bitayin si Tineg, Abra Mayor Clarence Benwaren at asawa nitong si Soledad, isang Napolcom official sa Cordillera na umano’y responsable sa pagkamatay ng limang katutubo.

Sinabi ni Diego Wadagan, tagapagsalita ng NPA command, si Mayor Benwaren ay gumamit ng "guns, goons and gold" upang maisagawa ang katiwalian noong nakalipas na halalan.

Aniya, dumanas ng matinding kahirapan, extreme oppression at exploitation ang mga katutubo simula pa noong maging alkalde ang kanyang amang si Pedring Benwaren hanggang sa kasalukuyan.

Idinagdag pa ni Wadagan na sinuportahan naman ang programang counter-revolutionary activities ni Mayor Benwaren nina dating Abra Board Member Ernesto Pacuño at Bucloc, Abra Mayor Mailed Molina. (Ulat ni Artemio A. Dumlao)

vuukle comment

ABRA

ABRA BOARD MEMBER ERNESTO PACU

ABRA MAYOR CLARENCE BENWAREN

ABRA MAYOR MAILED MOLINA

AGUSTIN BEGNALEN COMMAND

ARTEMIO A

DIEGO WADAGAN

MAYOR BENWAREN

NEW PEOPLE

PEDRING BENWAREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with