P 1-B VCD apparatus nasamsam, 12 dayuhan dakip
August 21, 2002 | 12:00am
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan Tinatayang aabot sa halagang P1-bilyong makinarya, aparatus at materyales na pinaniniwalaang ginagamit sa paggawa ng pekeng video compact disc (VCD) ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Videogram Regulatory Board (VRB) at Presidential Security Group (PSG) sa isinagawang pagsalakay sa isang pabrika sa Barangay Iba, Meycauayan, Bulacan kamakalawa ng gabi.
Sa ipinalabas na ulat ni P/Sr. Supt. Edgar Acuña, Bulacan PNP Provincial Director, bukod sa nadiskubreng makinarya at aparatus ay dinakip din ng mga awtoridad ang mga dayuhang trabahador na kinabibilangan ng limang Tsino na sina Susan Fang, Hu Fei Yang, Luzon Wi, Xiao Han Xing at Nam Zhei Hao.
Bukod sa mga Tsino ay dinakip din ang pitong Indonesian nationals na sina Willy Tan, Mul Yono, Tai Hai Phen, Go Yuli, Hendri Dyap, Ahar Tan at Sutrisno Bong.
Ipinag-utos naman ni Videogram Regulatory Board Chairman Bong Revilla Jr. na tugisin ang may-ari ng pabrikang Sterling Industrial Pary na si Michael Troya, alyas Wang.
Sa bisa ng search warrant ni Malolos Regional Trial Court Judge Arturo Tayag, Branch 79, isinagawa ang biglaang pagsalakay sa bodega ng naturang pabrika.
Nasamsam din sa loob ng pabrika ang kemikal na ginagamit sa paggawa ng piniratang compact disc partikular na ang ultra violet oven, 2 makinarya, 4 induction liner, 4 reflicating machine at libu-libong pirasong disc. (Ulat nina Efren Alcantara/Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended