BIR examiner dedo sa ambus
August 21, 2002 | 12:00am
SAN PABLO CITY, Laguna Tinambangan at napatay ang isang examiner ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki sakay ng motorsiklo may ilang metro pa lamang nakalalayo sa kanyang bahay ang biktima na nagmamaneho ng kotse sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay San Francisco, Calihan sa lungsod na ito kahapon ng umaga.
Tatlong tama ng kalibre 45 baril ang tumapos sa buhay ni Graciano Balubal, 42, nakatalaga sa Regional District Office 54 sa Trece Martirez, Cavite at residente ng Farconville Subdivision sa nabanggit na barangay.
Base sa inisyal na imbestigasyon ni SPO4 Jimmy Bondad, patungo sa pinapasukang opisina ang biktima at minamaneho ang kanyang kotseng Toyota Corolla Altis (XCS-727) nang dikitan ng mga dalawang nakamotorsiklo dakong alas-7:30 ng umaga.
Kaagad na pinaputukan ang biktima hanggang sa tamaan sa leeg, mukha at dibdib kaya idineklarang patay sa San Pablo Provincial Hospital.
Inaalam naman ng mga imbestigador kung may kinalaman ang nakuhang sulat sa loob ng kotse ng biktima na naka-address sa isang kompanya na matatagpuan sa Bangkal, Carmona, Cavite na may temang babala na magbayad kaagad ng kaukulang buwis. (Ulat nina Arnell Ozaeta, Ed Amoroso at Rene Alviar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest