'Planta sa Quezon tanuran' - GMA
August 20, 2002 | 12:00am
Inatasan kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang hanay ng militar at kapulisan na masusing tanuran ang planta ng kuryente sa lalawigan ng Quezon, kasunod ng bigong pananabotahe ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) noong Sabado, Agosto 17, 2002.
Ito ang mariing pahayag ng Pangulo sa isinagawang security briefing sa Mauban, Quezon makaraang dumalo sa pagdiriwang ng kaarawan ni dating Pangulong Manuel Luis Quezon kahapon.
Sinaluduhan din ng Pangulo ang mga alertong tauhan ni Southern Luzon Commander Gen. Roy Kyamko na mapigilan ang pananabotahe ng mga rebelde sa planta ng kuryente na matatagpuan sa Pagbilao, Quezon.
Aniya na lumabas na ang kulay ng mga rebelde bilang terorista dahil sa balakin nitong isabotahe ang anim na planta ng kuryente sa ibat ibang lalawigan.
Hinikayat din ng Pangulo ang mga mamamayan ng Quezon na makipagtulungan sa mga awtoridad upang masugpo ang terorismo at pananabotahe sa mga pangkabuhayan nila. (Ulat nina Lilia Tolentino/Celine Tutor)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest