3 paslit nalitson sa sunog
August 20, 2002 | 12:00am
GENERAL MARIANO ALVAREZ, Cavite Tatlong paslit kabilang ang magkapatid na babae ang kumpirmadong namatay makaraang masunog ang kanilang bahay sa Brgy. Olaes sa bayang ito kahapon.
Ang mga biktimang nalitson ay nakilalang sina Jenelyn Brutas, 4; kapatid nitong si Patricia, 3; at ang pinsang si Marcy Laguna, 5, na pawang residente ng Block 14 Lot 10 ng nabanggit na barangay.
Sa naging pahayag ni Insp. Rene Bullos ng Bureau of Fire Protection na nakabase sa naturang bayan, nagsimulang kumalat ang apoy sa loob ng bahay ng mga biktima bandang alas-5:30 ng hapon.
Napag-alaman pa sa ulat ni Bullos na nagkataong may pinuntahan ang mga magulang ng mga biktima at naiwang naglalaro sa loob ng kuwarto.
Dahil sa naputulan ng kuryente ang bahay ng pamilya Brutas ay gasera na lamang ang ginagamit nito na pinalalagay na nasagi ng mga naglalarong biktima na naging sanhi upang bumagsak sa sahig saka sumabog na nagresulta upang kumalat ang apoy.
Dahil sa mabilis na responde ng mga pamatay-sunog ay napigilan ang pagkalat ng apoy sa kalapit bahay ng pamilya Brutas.
Kasalukuyan namang sinisiyasat ng mga tauhan ni Bullos ang naganap na sunog na posibleng papanagutin ang mga magulang ng tatlong paslit. (Ulat nina Cristina Go-Timbang at Mading Sarmiento)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended