Estudyanteng NPA, 1 pa timbog
August 18, 2002 | 12:00am
CUYAPO, Nueva Ecija Dalawang kasapi ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) kabilang ang isang college student ang nadakip ng militar sa pinakahuling engkuwentro sa Purok 5, Barangay Sabit sa bayang ito kamakalawa ng madaling-araw.
Bandang alas-5 nang masagupa ng tropa ng 7th Infantry Division ng Phil. Army ang dalawampung rebelde bago nasukol sina Jojo Supnet, alyas Ka Ely, 19, 3rd year college student sa Central Luzon State University at residente ng Brgy. Ungab at James Barra, alyas Ka Hector, 20, binata.
Ayon kay 1st Lt. Virgilio Viterbo, commander ng Alpha Company, naiwan ng mga nagsitakas na rebelde ang 4 grenade rifles, 4 granada, handheld icom radio, 3 M-16 assault rifles, 6 flashlights, 2 baterya ng cellphones , 8 backpacks at mga subersibong dokumento na may kaugnayan sa makakaliwang kilusan. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended