Anak ng parak, nagpakamatay

BINANGONAN, Rizal – Isang anak na lalaki ng pulis ang kumpirmadong nasawi makaraang magbaril sa sarili sa loob ng kanyang kuwarto sa Barangay Pantok sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang hindi maipaliwanag ng kanyang ama ang pagkamatay ng anak na si Donald Largaso ng Wishire St., Sunnyville II Subdivision ng nabanggit na barangay.

Ayon kay PO2 Junio Ubrados, ginamit ng biktima ang baril ng kanyang amang si SPO1 Primo Riel Largaso na nakatalaga sa Rizal Provincial Police Office na naganap dakong alas-9:30 ng gabi.

Walang iniwang suicide note ang biktima maliban sa huling nakitang nakikipag-inuman sa kanyang kapitbahay bago mag-suicide. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments