^

Probinsiya

Vice mayor, brgy.chairman at 9 konsehal kinasuhan sa forgery

-
NORZAGARAY, Bulacan – Nalalagay sa balag ng alanganin ang vice-mayor, barangay chairman at siyam na municipal councilor sa bayang ito makaraang ireklamo ng isang residente na pineke ang kanyang lagda sa isinumiteng affidavit of desistance na naging dahilan upang madismis ang isinampang kaso noong Setyembre 6, 2001.

Batay sa reklamo ni Elizer Garingo, secretary-general ng Samahang Balikatan na isinumite sa Ombudsman sa lungsod ng Quezon, lumalabas na lumabag sa Republic Act No. 204, 171 at 6770 Section 19 sina Norzagaray Vice Mayor Abner Gener, Barangay Chairman Wenceslao Samson ng Brgy. Bigti at ang siyam na konsehal na sina Rolando Santos, Erlinda Sumbillo, Patricio Gener, Honorio Cruz, Santiago Ramos, Danilo Rayo, Florinio Saplala, Teodoro Gener at Vivencio Cruz.

Sa affidavit of complaint ni Garingo, inireklamo niya sa DILG si Samson tungkol sa maanumalyang proyekto ngunit ang reklamo ay inindorso sa Sangguniang Bayan ng Norzagaray.

Ayon pa kay Garingo, noong Disyembre 2001 at Pebrero 2002 ay tinalakay ng mga konsehal ang naturang isyu.

Nagulat na lamang si Garingo ng may lumabas na balita na dinismis na ang kaso dahil sa nagsumite umano siya ng affidavit of desistance ngunit lumalabas sa pagsusuri na pineke ang kanyang lagda.

Mariing pinabulaanan naman ng mga nabanggit na opisyales ang akusasyon ni Garingo. (Ulat ni Efren Alcantara)

BARANGAY CHAIRMAN WENCESLAO SAMSON

DANILO RAYO

EFREN ALCANTARA

ELIZER GARINGO

ERLINDA SUMBILLO

FLORINIO SAPLALA

GARINGO

HONORIO CRUZ

NORZAGARAY VICE MAYOR ABNER GENER

PATRICIO GENER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with