Special election para palitan si Jalosjos
August 15, 2002 | 12:00am
Nakatakdang isagawa ng Commision on Elections (Comelec) ang special election sa unang distrito ng Zamboanga del Norte sa darating na Agosto 26, 2002 upang palitan si dating Congressman Romeo Jalosjos.
Si Congressman Jalosjos ay hinatulan ng mababang korte ng habambuhay na pagkabilanggo ngunit umapela sa Korte Suprema hanggang sa pagtibayin ang naunang parusa na naging dahilan upang alisin ang kanyang pangalan sa Kongreso.
Dahil sa nabakante ang posisyon ni Jalosjos ay nagdesisyon si Comelec Commissioner Luzviminda Tancangco na magdaos ng special election na sisimulan ang campaign period sa Agosto 16 hanggang Agosto 24, 2002.
Kabilang sa kakandidato ay ang kapatid ni Jalosjos na kasalukuyang alkalde ng Pinan, kamag-anak ni dating Congressman Adaza at isang provincial director. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended