Sinabi ni Radio Operator Manuel Roque ng Phil. National Construction Corp. (PNCC) na ang 35 pasahero ng JAM Transit na may plakang DVX-351 at ang drayber ng oil tanker (PXE-573) ay isinugod sa tatlong ospital ng Laguna at Muntinlupa City.
Nabatid sa mga imbestigador, bandang alas-10:30 ng umaga nang mag-overtake ang bus sa oil tanker ngunit sumalpok sa likurang bahagi saka bumaligtad ng may ilang ulit ang naturang bus.
Idinagdag pa ng PNCC na ang bus driver at conductor ay tumakas matapos ang aksidente, samantala, ang pangalan ng drayber ng oil tanker ay pansamantalang hindi nakilala.
Kabilang sa mga biktimang dinala sa Perpetual Hospital sa Biñan, Laguna ay nakilalang sina Arsenio Alcaraz, 57, ng Marilao, Bulacan; Evelyn Toremal, 56; Miguela Lajara, 60; Cresencia Chavez, 53; Benjamin Chavez, 44; Rosita Macaraeg, 23; SPO4 Delfin Medrano, 48; Marita Cabatoy, 32; Nemesio Sawali, 44; Romualdo Maguinot, 33; Eduardo Bagos, 34; Romulo Macaraeg, 28; Jennifer Mansarate, 26; Marian Lucido, 27; Rodel Lucido, 31 at ang tatlong taong gulang na batang lalaki na si John Aaron Macaraeg na ngayon ay nasa kritikal na kondisyon.
Sa Rizal Memorial Hospital sa Calamba, Laguna naman isinugod sina Annabelle Masangkay, 42; Jasper Gorgonela, 4; Rosemarie Gorgonela, 27; Luis, Gorgonela, 30; Rogelio de Vera, 33 at Daniel Flores, 21. Samantala, labingdalawa pang biktima ang kasalukuyang hindi pa nakikilala na isinugod sa Muntinlupa General Hospital. (Ulat nina Arnell Ozaeta/Ed Amoroso)