11 katao todas, 2 grabe sa banggaan ng truck vs van

ZAMBOANGA CITY - Labing-isa katao ang iniulat na nasawi, samantala dalawang iba pa ang malubhang nasugatan matapos ang van na sinasakyan ng mga ito ay sumalpok sa cargo truck sa kahabaan ng Liloy Highway sa Zamboanga del Norte noong Linggo ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawing sina Pfc. Ricky Aguit ng 33rd Infantry Battalion; Plorimit Senoc, Fe Alvarez, Rosalito Manalit, Jungjung delos Santos, Damian Alvarez, Allan Rojaz, Aniceta Sanggayan at ang drayber ng van na si Nurhari Akilan ng Sta. Catalina sa lungsod na ito habang inaalam pa ang pangalan ng dalawa pang nasawi.

Ang mga nasugatan ay na sina Christopher Obsioma at Alberto Martinez.

Kaagad namang sumuko sa pulisya ang drayber ng cargo trak na si Eusebio Alumdia.

Sa naantalang ulat na nakarating kahapon sa headquarters ng Police Regional Office 9 (PRO), lumalabas na patungo ang van sa Dipolog City mula sa bayan ng Ipil.

Pinilit umano na umoberteyk ng van sa nauunang pampasaherong bus dakong alas-4:30 ng hapon ngunit hindi nito napansin na paparating ang kasalubong na cargo trak kaya naganap ang malagim na trahedya. (Ulat ni Roel Pareño)

Show comments