Misis naaktuhan ni mister na nakikipagtalik sa kalaguyo

BACOOR, Cavite — Hindi akalain ng isang mister na magagawa siyang kaliwain ng kanyang misis makaraang maaktuhang nakikipagtalik sa ibang lalaki ang huli sa loob ng kanilang bahay sa Paula Homes Subd. sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Naghihimutok na dumulog sa himpilan ng pulisya ang mister na si Edgar Acallando, 29, ng Block 9, Lot 45 ng naturang lugar.

Samantala, ang kanyang misis na si Helen Acallando, 22, at kalaguyong si Ramilo Pulao, 25, ng South Gawaran, Molino 3, Bacoor, Cavite ay mabilis na tumakas sa hindi nabatid na direksyon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naaktuhan ni Edgar ang kanyang misis na nakikipagtalik sa kanilang drayber ng dyip matapos na dumating siya ng bahay sa hindi inaasahang pagkakataon.

Bago pa makahingi ng tulong si Edgar sa mga kapitbahay ay mabilis namang tumakas ang magkalaguyo na ngayon ay sasampahan ng kaso. (Ulat ni Lanie Sapitanan)

Show comments